It Takes Two To Tango
   
Friday, February 27, 2009
absolut
Photobucket

Labels:

posted by JenEllyn @ 12:15 PM   0 comments
Kwa-Der-No
Photobucket

ang asawa ko subsob na naman sa pagrereview kaya isa sa mga wish nya e mead notebooks! kung noon pang composition notebook na pang grade school lang ang gusto nya, ngayon medyo tumaas na ang standards nya ng KONTI! ahaha!

by, kahit sangkatutak na notebook ang ipabili mo, bibilhin ko para sayo makapunta ka lang dito! nasa magiging laman ng mga notebooks na yan ang daan!

cant wait to be with you! kaong na! ahaha!

ILOVEYOU SO MUCH!

missing you bad by!

Labels:

posted by JenEllyn @ 10:57 AM   0 comments
Sunday, February 22, 2009
A couple of nights ago, I dreamt of Jen coming back home. In my dream she said that she misses me so much she asked for a 4-day off from work just to be with me *haba hair*. She took me shopping in Divisoria on the first day... sabi nya sky's the limit daw!


Weird!!!

So you say, "what's weird?"

It's Jen taking me shopping in Divisoria! Haha!

Told Jen about it... humagalpak sya ng tawa at umariba pa ang kayabangan... Sabi nya "Nun ngang wala akong trabaho hinde kita pinamimili sa Divi eh, ngaun pa?!"

*Me rolling my eyeballs backwards*

Meaning of my dream: Just missing her s000ooo very much

Labels:

posted by JenEllyn @ 10:03 PM   0 comments
Wednesday, February 18, 2009
Halos limang taon akong nagtrabaho as Physical Therapist... ewan ko ba, I have come to a point na nagsawa ako sa trabaho ko! Siguro kasi, parang feeling ko nun, I wasn't moving forward. Hinde naman ako tipong nagregress... tipong stagnant lang!

Until my ex encouraged me to take up Nursing! Obvious bang I considered the idea? Kaya nga Nurse na din ako ngaun! Aaminin ko, I took up Nursing hinde dahil sinabi ni ex pero kasi, adventure ito sa akin.... kasi me bagong gagawin, tipong kakaiba sa trabaho ko for almost half a decade! Tipong, papasok uli ako, magbabasa ng libro, mag-eexam, mag-qui-quiz... Mag-aassist sa OR, magpapa-anak, makakakita ng dugo! Haha, nung una ko palang pasok sa DR, anak ng teteng, muntik akong mahimatay nung makita kong me lumalabas ng baby sa pwerta ng babae, haha! Buti na lang naalalayan ako ng CI ko palabas kundi baka sumubsob ang mukha ko sa vagina nung nanay! Haha! Eeewww!

Pero natapos ko pa din ang Nursing.... kapag nga nakakakita ako ng dugo parang wala lang.... bring it on!!! Haha! Hmmnn, hinde naman ako nagsisisi sa pinasok ko kasi eto naman ko ngaun, Texas-licensed Nurse na! Hehe! Pero, eto, working without pay ang drama ko just to get a certificate! Dammit!

At eto pa ang matindi, bumabalik ako sa pananampalataya! Haha! I mean, bumabalik ako sa pagpi-PT! Haha! E eto kasi ang in-demand ngaun sa Tate e! Haha! Tatanggapin kaya ko uli ng propesyon ko samantalang tinalikuran ko sya dati? Sabi ni Jen, mas magugustuhan ko talaga ang trabaho ng PT dun sa US kasi me freedom doon pagdating sa pagti-treat! Doon kasi, you get to do your own management for the patient kasi nga un ang forte mo e! Dito kasi sunud-sunuran ka sa mga doktor samantalang hinde nga PT ang pre-med course nila e ano naman ang alam nila sa protocols ng Rehab? Pero, bulag ka pa ding susunod sa dinesign nilang management! Pero meron at meron ka pa ding mga ile-left out na treatment kapag alam mong super duper contraindicated un para sa pasyente, un nga lang, huwag mo ng ipaalam sa doktor at baka mapagalitan ka!

Ano ba talaga ang pipiliin kong maging propesyon? Maging Nurse o PT? Kung ako ang masusunod... gusto kong maging Chef!

Haha! By, ipon ka na ng pangCulinary Arts ko! Haha!
Missing you by!
I LOVE YOU VERY MUCH!
Yaan mo, iipunan naman kita ng pang Photography Class mo!

Labels:

posted by JenEllyn @ 10:24 PM   0 comments
my new besprens
Photobucket Photobucket


kung dati rati medical file ng patiente, face sheet & label stickers, at mga boy sa medical records ang bespren ko nung nasa QA pa ko, ngayon iba na! no offense pero mas gusto ko ang mga bespren ko ngayon kesa sa dati! kahit na mas mahirap ang trabaho ngayon, me sense of worth and fulfilment naman dahil unang una eto talaga ang trabaho at tinapos ko! medyo malaking adjustment, sakit sa katawan dahil madalas 5x ng laki ko ang mga patiente dito! pero sige lang kasi kahit na madaming patienteng galit sa mundo, mas madami pa rin ang grateful at marunong magpasalamat sa'yo pagkatapos ng session nyo! sabi nga ni mader sa kin, wag ko daw dibdibin ang trabaho, laruin ko lang daw para ma-enjoy ko! magaling talagang mang-encourage ang nanay ko! para ding adik ko kaya mahal na mahal ko silang 2 e! haha!

kaya 'by bilisan mo na! PT talaga ang calling mo pramis! ahaha! pang-asar e noh! isa lang ang masasabi ko...babalik ka rin! ahaha!

ILOVEYOU SO MUCH by!

missing you bad kaya get here soon!

Labels:

posted by JenEllyn @ 11:52 AM   0 comments
Wednesday, February 4, 2009
HAPPY
MONTHSARY
baby!

Photobucket

Missing you badly!
I LOVE YOU VERY MUCH!
posted by JenEllyn @ 3:39 PM   0 comments
Monday, February 2, 2009
homesick = ellynsick
i miss my baby! big time! hay! nung sabado nagpakapagod ako maglakad kung saan saang store at mall para lang aliwin ang sarili. mas masaya sana kung magkasama kami. sabi ko nga sa kanya kahit anong gusto nya ngayon kaya na naming bilhin! yabang! hehe!

seriously, malungkot mag-isa sa malayong lugar! overwhelming ang change! lahat bago...bagong environment, bagong oras, bagong trabaho, bagong mga kasama, bagong pamumuhay! kelangang matindi tindi ang adaptability mo at kung hindi e bibigay ka! pero gusto mo man o hindi, kelangan mong mag-adapt to survive! welcome to the real world!

thinking about my baby, calling her everyday, texting and chatting when our sked permits makes my life here a little easier. and the thought that we'll be together soon keeps me sane.

isa lang ang masasabi ko...hinding hindi ako masasanay na magkahiwalay kami kaya 'by bilisan mo pumunta dito ha!

ILOVEYOU SO MUCH!

Missing you badly =(

Photobucket

Labels:

posted by JenEllyn @ 8:20 AM   0 comments
About Us

Name: JenEllyn
Home: Valenzuela City, Philippines
About Me: Addicted to each other
See my complete profile
Previous Post
Archives
Shoutbox

"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."

Links
Chit Chat
PlayList

Get a playlist!Standalone playerGet Ringtones
Girl Power
Skamu.com - The only place for Myspace icons, Orkut avatars, and profile codes
Myspace Icons
Skamu.com - The only place for Myspace icons, Orkut avatars, and profile codes
Myspace Icons
Skamu.com - The only place for Myspace icons, Orkut avatars, and profile codes
Myspace Icons
Skamu.com - The only place for Myspace icons, Orkut avatars, and profile codes
Myspace Icons
Skamu.com - The only place for Myspace icons, Orkut avatars, and profile codes
Gay & Lesbian Icons

MySpace Icons

MySpace Icons

MySpace Icons
Visitors
Powered by

Blogger Templates

BLOGGER